Nagpulong ngayong araw ang Department of Energy (DOE) kaugnay sa mga ipatutupad na contingency plan sakaling magkaroon ng kakapusan ng suplay ng langis sa bansa.
Kasunod na rin ito ng pagsasara ng oil refinery ng Shell kamakailan at nakaambang pagsasara naman ng oil refinery ng Petron.
Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, kabilang sa plano ang posibilidad na magkaroon ng sariling government supply ng oil products ang bansa.
Aniya, ibig sabihin nito ay magtatayo ng mga storage facilities o petroleum reserve sa bansa na ang magma-manage ay ang gobyerno.
Sa mga susunod na buwan, sinabi ni Abad na aasahan ang development tungkol sa planong ito.
Sa ngayon sinabi ni Abad na halos 100 porsyento ng oil supply sa bansa ay galing sa ibang bansa o inaangkat.