DOE, pinag-aaralan na ang posibilidad na bumili ang gobyerno ng sariling petroleum products

Pinag-aaralan na ng Department of Energy (DOE) ang posibilidad na bumili ang gobyerno ng sarili nitong petroleum products.

Ayon kay DOE Asec. Mario Marasigan, pinangungunahan ng Philippine National Oil Company (PNOC) ang pag-aaral sa kung paano makakatulong ang pamahalaan sa pag-iimbak ng langis.

Pero paglilinaw ng opisyal, hindi intensyon ng DOE sa hakbang na ito na makipagkompetensya sa mga oil company.


Sa halip, ito ay upang hindi maantala ang suplay ng langis sa bansa sakaling magkaroon ng problema sa suplay sa international market.

Facebook Comments