Patuloy ang paalala ng Department of Energy (DOE) sa publiko na suriin ang mga promong device na inialok sa pamamagitan ng social media para umano makatipid sa kuryente.
Ayon sa DOE, ang mga video na nagha-highlight ng mga device na nakakatipid sa enerhiya ay medyo epektibo sa pagkuha ng atensyon at pag-impluwensya sa publiko sa paggamit ng mga consumer.
Habang nagsisilbi rin anya ito sa kanilang sariling mga personal na interes.
Binigyan diin ng ahensiya na hanggang ngayon ay hindi pa nabe-verify ng DOE ang validity ng anumang energy-saving gadgets na nakakatugon sa mga kinakailangang pamantayan para sa gamit sa bahay para makatipid sa pagamit ng kuryente.
Facebook Comments