DOE, pinaghahandaan na ang pag-secure ng power infrastructure sa pag-uumpisa ng La Niña

Naglunsad ang Department of Energy (DOE) ng mga paghahanda upang mabawasan ang mga posibleng panganib sa pagpasok ng La Niña phenomenon, at upang pangalagaan ang imprastraktura ng enerhiya ng bansa.

Ayon kay DOE Assistant Secretary Mario Marasigan, idinisenyo ang mga planong inihanda upang protektahan ang mga kritikal na imprastraktura ng kuryente, partikular na ang mga linya ng transmission mula sa potensyal na pinsala dahil sa La Niña.

Dagdag pa ni Marasigan, stabilized ang supply ng kuryente sa kabila ng mga kamakailang hamon na dulot ng El Niño at pagbabago ng klima.


Aniya, ang kamakailang red alert ay dahil sa climate change at El Niño effects sa power plants partikular na ang hydro-powered facilities, na nakaranas ng mas mababang lebel ng tubig.

Tiniyak naman ng DOE na walang manual load dropping o red alert ang inaasahan sa mga susunod na araw.

Facebook Comments