DOE, pinaplano na ang pag-i-invest sa liquified natural gas upang isulong ang paggamit ng renewable energy sa bansa

Courtesy: Scientific American

Nakatuon na ang plano ng Department of Energy (DOE) sa pagpapaunlad ng pamunuhunan para sa liquefied natural gas (LNG) upang isulong ang paglipat ng Pilipinas sa paggamit ng renewable energy.

Ayon kay Energy Secretary Raphael Lotilla, kinakailangan ang LNG upang masigurong may mapagkukunan ng enerhiya sa panahon ng transition o paglipat.

Bumubuo na rin ang DOE ng Natural Gas Development Plan upang gabayan ang mga investor hinggil sa proyektong ito.


Nakapagbigay na rin ang ahensiya ng mga permit para sa mga bagong pasilidad ng LNG sa Batangas, na tinatayang mayroong kapasidad na 8,000 megawatts.

Ang inisyatibang ito umano ay umaayon sa pambansang layunin na makamit ang 50% renewable energy mix pagsapit ng 2040.

Facebook Comments