rInatasan ng Department of Energy (DOE) ang Energy Regulatory Commission (ERC) na silipin ang iba’t ibang power plant outages na nagresulta para magnipis ang supply ng kuryente sa Luzon.
Ayon sa DOE, dapat matiyak na magpapatuloy ang serbisyo ng kuryente ngayong panahon ng krisis.
“Being a performance issue, the DOE likewise calls on the ERC to look into these outages and exercise its regulatory functions as the energy family continues to work together to ensure the continuity of power services during these challenging times,” sabi ng DOE.
Para mapanatili ang integridad ng power system, ang NGCP ay magpapatupad ng power interruption sa ilang bahagi ng Luzon.
Pagtitiyak ng DOE na babantayan nila ang power situation at aabisuhan ang mga consumers at magpapasa ng report sa ilang enforcement agencies.
Ang Luzon power grid ay pinatatakbo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).