Pinag-iisipan na ngayon ng ng Department of Energy (DOE) na muling i-calibrate ang power mix ng bansa sa pamamagitan ng pagpili ng coal-fired power facilities na may sukat na 5,000 megawatts para sa medium term.
Ayon kay Michael Sinocruz, Director of Energy Policy and Planning Bureau, ito ang isa sa mga pangunahing dapat na isinasaalang-alang upang ma-update ang Philippine Energy Plan (PEP) o ang blueprint na gagabay sa pamumuhunan ng enerhiya sa bansa.
Bagaman hindi tinukoy ng opisyal ang eksaktong takdang panahon kung kailan ganap na mawawala ang mga pasilidad sa pagbuo ng coal-fired mula sa mix generation ng bansa aniya, na ang plano ng gobyerno, ay ang pakikipagtulungan sa mga industry players, aat samantalahin ang mga oportunidad na kaakibat ng energy transition mechanism (ETM) at ng Just Energy Transition Partnership (JETP) pagdating sa pondo na maaaring magamit.
Maaari kasing ma-access ang energy transition mechanism bilang isang concessional o komersyal na magpopondo sa fossil fuel-based at sa pagbuo sa mix energies at palitan ang mga ito ng mas malinis na mga alternatibo, pangunahin ang renewable energy.
Sa huli, sinabi ng opisyal na maaaring hindi ito isang kumpletong phaseout na mangyayari para sa mga coal-fired power fleets ng bansa, sa halip ang ilan sa mga pasilidad na ito ay maaaring ihanay para sa repurposing katulad ng kung ano ang ginagawa ng iba pang mga merkado ng enerhiya.