DOE: Presyo ng produktong petrolyo, posibleng manatili sa kasalukuyang presyo o magkaroon ng kakapiranggot na rollback

Posible umanong walang paggalaw o bahagyang bababa ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, base raw sa kanilang pagtaya, posibleng manatili ang presyo ng mga produktong petrolyo sa kasalukyan nitong presyo.

Kung may rollback man sa gasolina, diesel at kerosene ay mas mababa pa ito sa 50 centavos.


Kung maalala, bumaba ang presyo ng mga produktong petrolyo ngayong Nobyembre dahil sa paghina ng demand nito mula sa major consumers na China at US.

Facebook Comments