DOE, pumalag na rin sa Odd-Even Scheme na ipatutupad sa panahon ng EDSA Rehabilitation

Sumulat ang Department of Energy (DOE) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng Odd-Even Scheme na ipatutupad sa panahon ng EDSA Rehabilitation.

Sa liham ng DOE, pinaalalahanan nito ang MMDA na may batas na nag-e-exempt sa mga full electric o hybrid vehicle sa anumang vehicle volume reduction program.

Tinukoy ng Energy Department ang number coding ng MMDA at ng mga lokal na pamahalaan mula nang maisabatas ang Electric Vehicle Industry Development Act.

Iginiit din ng DOE na Base sa record ng Department of Transportation (DOTr) Land Transportation Office (LTO), 24,286 lamang ang kabuuang bilang ng electric vehicles mula sa 14,619,753 na registered vehicles sa taong 2024.

Nangangahulugan anila ito na hindi makakaapekto sa daloy ng trapiko ang electric vehicles sa panahon ng rehabilitasyon sa EDSA.

Facebook Comments