DOE: Sampung porsyentong tipid, target sa pagbabawas ng konsumo sa kuryente ng mga tanggapan ng gobyerno

Sampung porsyento ang matitipid ng pamahalaan sa pagbabawas ng paggamit ng elektrisidad at langis ng mga tanggapan ng gobyerno.

Kinumpirma ito ng Department of Energy (DOE) sa harap ng mandatory na pagpapairal ng government agencies ng energy-efficient measures at technologies.

Ayon sa DOE, sa nakalipas na taong 2023, nakapagtala ang pamahalaan ng total electricity savings na mahigit P300 million.


Ito ay katumbas ng mahigit 30 million kWh at mahigit P25-M naman ang natipid sa langis o katumbas ng 386,083.59 liters na fuel savings.

Una nang sinimulan ang pagpapatupad ng Administrative Order (AO) No. 15 para sa pagpapatupad ng Government Energy Management Program (GEMP).

Facebook Comments