DOE Sec. Cusi, inatasan ang lahat ng distribution utilities na tiyaking may sapat na supply ng kuryente para sa vaccine rollout

Photo Courtesy: Department of Energy Philippines Facebook Page

Intasan ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso G. Cusi ang lahat ng distribution utilities na tiyaking mayroong sapat na supply ng kuryente pagdating ng bakuna para sa rollout ng gobyerno sa COVID-19 vaccine program.

Ayon kay Secretary Cusi, titiyakin nito na mayroong supply na kuryente at inatasan nito na mag-update ng emergency response protocols at business continuity plans na iprayoridad ang pagtugon ng COVID-19 vaccines sa cold storage facilities sakaling magkaroon ng kakulangan ng supply ng kuryente.

Paliwanag ng kalihim gumagawa sila ng paraan para hindi makompromiso ang pagdating ng bakuna sa bansa kaya’t titiyakin nilang magkaroon ng sapat na supply ng kuryente.


Giit pa ni Secretary Cusi na kinakailangan ay organisado lahat ng distribution utilities upang ang pagpa-plano ng pagpapatupad ng programa ay tatakbo ng banayad.

Facebook Comments