DOE Sec. Cusi, Udenna chief Dennis Uy at iba pang personalidad, nahaharap sa kasong graft kaugnay sa Malampaya Project

Nahaharap sa reklamong graft sina Department of Energy (DOE) Sec. Alfonso Cusi, Udenna chief executive officer Dennis Uy at iba pang personalidad.

Kaugnay ito ng umano’y anomalya sa pagbili ng shares ng kumpanya ni Uy sa Malampaya Project na ikinalugi ng gobyerno na nagkakahalaga ng mahigit sa P21 hanggang P45 billion.

Ang kaso ay inihain sa Office of the Ombudsman ng ilang concerned citizens na sina Balgamel De Belen Domingo, Rodel Rodis, Loida Nicolas Lewis, at iba pang respondents.


Ayon sa mga ito, paglabag ang nangyari hindi lamang sa Republic Act No. 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act, kundi maging sa probisyon ng P.D. No. 87 at R.A. No. 387 o Petroleum Act of 1949.

Nagsabwatan umano sina Cusi, Uy ay iba pang opisyal para paboran at makinabang ang kumpanya ni Uy sa pagbenta ng shares ng Chevron sa Malampaya project.

Depensa naman sa isyu ni Cusi, political propaganda lamang ito.

Facebook Comments