Naniniwala ang Department of Energy (DOE) na hindi pa kailangan ang state of economic emergency sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Kasunod ito ng panukala ni Albay Representative Joey Salceda para magpabilis ang pamamahagi ng tulong.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, hindi pa napapanahon para magdeklara ng state of economic emergency sa bansa.
Aniya, ginagawa naman ng gobyerno ang lahat para matulungan ang iba’t ibang sektor na apektado ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Hinimok naman ng DOE ang Kongreso na amyendahan ang Oil Deregulation Law para payagan ang gobyerno na makialam sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa mahigpit na suplay sa mundo at mataas na demand.
Facebook Comments