DOE, tahasang pinabulaanan ang mga akusasyon ni Sen. Pacquiao

Walang basehan ang mga alegasyon ni Senator Manny Pacquaio sa Department of Energy (DOE).

Ito ang binigyang diin ni Energy Asec. Gerardo Erguiza Jr., sa Laging Handa public press briefing.

Ayon kay Erguiza, kulang sa research at nakinig sa sabi-sabi ang senador kung kaya’t nagawa niyang idawit sa katiwalian ang ahensya.


Una nang ibinunyag ni Pacquiao na kinuha ng DOE ang pribadong kompanyang Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOP) para maging electricity stock market operator na hindi dumaan sa tamang proseso.

Pero katwiran nito, ang independent market operator ay hindi pwedeng i-bid dahil hindi talaga aniya dumadaan sa bidding dahil wala naman talagang ganoong requirement at hindi nito kailangang sundin ang Government Procurement Act.

Ani Erguiza, ang pagtatatag ng isang independent market operator ay mandato ng EPIRA Law at ang DOE lamang ang naatasang mag-draft ng policy framework para dito.

Kasunod nito, nakahanda aniya ang DOE na magpresinta ng mga kaukulang ebidensya upang pabulaanan ang alegasyong korapsyon ng senador sa ahensya.

Facebook Comments