DOE: Tatlong malalaking proyekto ng NGCP, makatutulong para maibsan ang matinding epekto ng el niño kapag nakumpleto

Gumagawa na ng mga hakbang ang National Grid Corporation of the Philippines o NGCP para hindi magkaroon ng problema sa suplay ng enerhiya sa sandaling umiral na ang matinding epekto ng el niño phenomenon.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Usec. Rowena Guevarra, ng Bureau of Oil Industry ng Department of Energy (DOE) na minamadali na ng NGCP ang pagkumpleto sa tatlong major projects.

Ito ay ang transmission projects sa San Hermosa-San Jose sa Luzon, Mindanao-Visayas interconnection project at Cebu-Negros-Panay Project 3.


Sinabi ni Guevarra, lahat ng proyektong ito ay ipinangako ng NGCP na matatapos nila sa susunod buwan.

Kapag natapos aniya ang mga proyektong ito, maiibsan ang epekto ng el niño dahil may mapagkukuhanan ng enerhiya ang bansa.

Ang pinangangambahan kasi at ang posibleng kulangin ang suplay ng kuryente kapag hindi napagana ang mga hydroelectric power plants dahil sa kakapusan sa tubig dulot ng tagtuyot.

Sa ngayon, sinabi ni Guevarra na marami sa hydro plants na matatagpuan sa Mindanao ay maganda naman ang performance.

Facebook Comments