Tiniyak ng pamunuan ng Department of Energy o DOE na handang-handa na sila para suportahan at tugunan ang lahat na may kinalaman sa enerhiya sakaling dumating na ang bakuna kontra sa COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi, tinatanggap ng DOE ang kanilang tungkulin kapag nasa bansa na ang COVID-19 vaccine program.
Paliwanag pa ni Cusi, nito lamang buwan ng Enero ay nagbigay siya ng direktiba sa DOE-led Task Force on Energy Resiliency o TFER na pinamunuan ni Undersecretary Alexander S. Lopez, maging sa Electric Power Industry Management Bureau o EPIMB na tiyakin na mayroong sapat na power supply na paglalaanan lalo na ngayong paparating ang mainit na panahon o summer season at nakatakdang pagdating ng bakuna laban sa COVID-19.