DOE, tiniyak na malapit makumpleto ang power restoration sa Boracay matapos magkaroon ng pinsala ang underground cables ng kuryente

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na malapit nang matapos ang pagsasaayos sa kuryente sa Boracay sa Aklan.

Ito ay matapos na mawalan ng supply ng kuryente sa lugar nitong Sabado matapos na magkaroon ng pinsala ang underground cables nito malapit sa Caticlan Airport.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, hindi agad natapos kahapon ang pagsasaayos sa kuryente sa Bocaray dahil inabutan ng high tide ang frontline crews.

Bukod sa Boracay Island, naapektuhan din ang power supply sa mga kalapit na munisipalidad ng Malay at Buruanga .

Tiniyak din ng DOE na minamadali na ang Nabas-Caticlan-Boracay Transmission Line Project sa lugar at inaasahang matatapos ito ngayong taon.

Facebook Comments