
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang supply ng kuryente sa buong bansa sa harap ng patuloy na banta ng Bagyong Opong.
Tiniyak din ng DOE ang patuloy na restoration effors sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo sa Luzon, Visayas, at Mindanao.
Ayon sa Energy Department, may ilan ding planta ng kuryente sa Luzon at Visayas ang kailangang i-shutdown bilang pag-iingat sa paghagupit ng bagyo.
Tiniyak din ng DOE na sapat ang supply ng langis sa buong bansa.
Gayunman, may 9 gasoline stations sa Region 1 at isa sa Region Ill ang pansamantalang offline dahil sa pagbaha, pinsala ng bagyo at bunga ng power outages.
Tiniyak naman ng Energy Department na nananatiling full operational ang bulk facilities.
Facebook Comments









