DOE, tiniyak na sapat ang power supply ng bansa para sa COVID vaccines storage

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang supply ng kuryente ng Pilipinas para sa nalalapit na mass immunization program laban sa COVID-19.

Magugunitang kailangang itago ang mga bakuna sa mga pasilidad na mayroong extreme low temperature.

Ayon kay Energy Spokesperson Felix William Fuentebella, aabot sa 30-porsyento ang sobra o reserbang kuryente ng bansa.


“Nag-aaverage tayo 37 percent sa Luzon; sa Visayas, 27 percent; sa Mindanao, almost 40 percent na nga eh. Pagdating sa summer, yung reserba medyo bumababa ng six, seven, eight percent, pero sobra pa rin siya,” sabi ni Fuentebella sa isang radio interview.

Mayroon aniya three-tier back up plan ang DOE na sinisigurong patuloy ang supply ng kuryente sa mga susunod na buwan.

Ang una ay ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ikalawa ay ang Distribution Utilities, at ang ikatlo at huling back-up ay generators ng mga Local Government Units.

Facebook Comments