Manila, Philippines – Kampante ang Department of Energy (DOE) na hindi magkukulang ang supply ng kuryente tulad ng nangyayari ngayon sa suplay ng tubig.
Ayon kay Energy Undersecretary Felix William Fuentebella, tiwala silang sapat ang suplay ng kuryente sa Luzon ngayong tag-init.
Sabi naman ni Fuentebella, iniimbestigahan na rin ng DOE kung may kuntsabahan ang sabay-sabay na pagpalya ng mga planta noong nakaraang linggo na nagresulta sa yellow alert o pagnipis ng reserbang kuryente sa Luzon.
Aniya, pinagsabihan na nila ang NGCP at Meralco na huwag nang ianunsiyo kung may yellow alert dahil nakakaapekto ito sa presyo ng kuryente sa spot market.
Facebook Comments