
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na magiging stable at secure ang magiging power supply sa buong bansa ngayong Kapaskuhan.
Ayon sa Energy Department, nagpatupad na sila ng mahigpit na koordinasyon sa mga power generations companies, sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at maging sa iba pang distribution facilities upang masiguro ang uninterrupted power supply sa buong holiday period.
Tiniyak din ng ahensya na mayroon na silang mga nakahandang contingency plans kung sakali mang may mga potential demand surges at maging mga localized disruptions.
Nanawagan naman ang DOE sa publiko na sanayin ang energy efficiency kahit nasa tahanan, daanan man o kahit sa mga sementeryo.
Facebook Comments









