Sasapat ang suplay ng langis sa bansa hanggang sa pagtatapos ng taon.
Tiniyak ito ni Rodela Romero, Assistant Director ng Bureau of Oil Industry ng Department of Energy (DOE).
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Romero na batay sa mga ginawa nilang imbentaryo at monitoring, higit pa sa isang buwan ang suplay ng langis ng bansa.
Pero patuloy ang paalala ni Romero sa publiko na mga pamamaraan para makapagtipid sa konsumo sa langis at kuryente.
Payo pa ni Romero sa publiko na gamitin ang power of choice, o tingnan ang webpage ng mga kompanya ng langis at DOE kung saan makikita ang listahan ng mga gasolinahan na nagbibigay ng diskwento at dito bumili o magpakarga para makatipid.
Facebook Comments