DOE, tiniyak na sapat ang supply ng kuryente sa hanggang kalagitnaan ng taong 2024

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na sapat ang supply ng kuryente ng bansa hanggang sa ikalawang bahagi ng susunod na taon.

Tiniyak ito ni Energy Secretary Raphael Lotilla sa harap ng nakaambang El Niño phenomenon sa bansa.

Sinabi ng kalihim na nag-uusap na rin ang DOE at PAGASA para sa paghahanda sa EI Niño phenomenon sa pagsapit ng 2024.


Kumpiyansa rin si Lotilla na magtutuloy-tuloy hanggang sa katapusan ng 2025 ang sapat na supply ng elektrisidad sa bansa.

Aniya, patapos na rin kasi ang mga isinasagawang power management system sa ilang mga power plants.

Sa kabila nito, hinihikayat pa rin ng DOE ang publiko na makiisa sa pagtitipid sa paggamit ng kuryente.

Facebook Comments