DOE, tiniyak na walang magiging power interruption sa halalan sa Lunes

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na may sapat ng supply ng kuryente sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Lunes.

Ayon kay Department of Energy (DOE) Secretary Raphael P.M. Lotilla, naghanda rin sila ng mga hakbangin para maiwasang magka-aberya sa araw ng halalan at sa oras ng pagbibilang ng mga boto.

Nilinaw rin ng Energy Department na bagama’t naka-yellow alert sa Luzon hanggang sa susunod na linggo, may instruksyon na anila sa DOE Energy Task Force Election na makipag-ugnayan sa generating companies at sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na tiyakin ang kahandaan ng generating units.


Layon nito na makamit ang demand at required reserves sa panahon ng halalan.

Mahigpit din anilang ipinagbabawal ang preventive maintenance at testing ng generating units, isang linggo bago at pagkatapos ng eleksyon.

Ang demand forecast sa Luzon sa susunod na linggo ay nasa 12,257 MW, habang ang current demand ay nasa 10,500 MW hanggang 11,500 MW lamang.

Facebook Comments