DOE, tiniyak na walang magiging problema sa suplay ng kuryente sa Eleksyon 2022

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) walang magiging problema sa suplay ng kuryente sa panahon ng Eleksyon 2022.

Ito ay kasunod ng pahayag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na mababa ang operating margin ng kuryente mula Abril hanggang Hunyo kung kaya’t itinuturing itong kritikal.

Ayon kay Power Industry Management Bureau Director Mario Marasigan, sa ngayon ay wala pang nakikitang problema na pwedeng makaapekto sa suplay ng kuryente lalong-lalo na sa preparasyon sa darating na halalan.


Hindi rin aniya nila nakikita na magkakaroon ng mga alert level pagdating sa supply ng kuryente.

Sa kabila nito ay tiniyak ni Marasigan na nakikipagtulungan na ang DOE sa NGCP, Energy Regulatory Commission (ERC), at iba pang electric power industry stakeholders upang masiguro na tuloy-tuloy suplay kuryente sa panahon eleksyon.

Facebook Comments