DOE, tiniyak na walang power outage sa 2019 elections

Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na walang mangyayaring power outage sa May 13 midterm elections.

Ayon kay Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles – may mga bagong pagkukunan ng supply ng kuryente ang ipapasinaya.

Nakikita ni Nograles na ginagawa naman ng DOE ang mandato nito na tugunan ang energy security ng bansa.


Aniya, agresibo ang ahensya sa pagsisimula ng power generation projects.

Tiniyak din ni Nograles na hindi kailangan ng presidential intervention para maresolba ang energy concerns.

Facebook Comments