Nagpapatuloy ang koordinasyon ng Department of Energy (DOE) sa mga electric provider ng bansa, hangga’t hindi pa natatapos ang ginagawang canvassing ng Commission on Elections (COMELEC).
Sa Laging Handa public press briefing, tiniyak ni Energy Usec. Gerardo Erguiza Jr., na gagampanan nila ang kanilang mandato para sa eleksyon hanggang sa maiproklama na ng COMELEC ang mga nanalo sa katatapos lamang na halalan.
Aniya, hindi rin nila ititigil sa ginagawang monitoring at pagtitiyak sa supply ng kuryente hanggang hindi ito ipinag-uutos ng COMELEC.
Sa ganitong paraan aniya ay matitiyak ng pamahalaan na hindi makukuwestyon ang kabuuan ng proseso ng halalan at integridad ng resulta nito.
Facebook Comments