Tuesday, February 10, 2026

DOE, tiwalang bababa ang singil sa kuryente kasunod ng pagsasapribado sa Caliraya-Botocan-Kalayaan Hydroelectric Power Plant

Tiwala ang Department of Energy (DOE) na mas bababa ang singil sa kuryente kapag ito ay pangangasiwaan na ng mga pribadong sektor.

Kasunod na rin ito ng paglilipat ng pangangasiwa ng Caliraya-Botocan-Kalayaan Hydroelectric Power Plant sa Aboitiz Group of Company.

Ayon kay DoE Sec. Sharon Garin, mahalaga ang pagsasapribado sa mga power facilities alinsunod sa Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA) na naglalayong baguhin ang istruktura at gawing malaya ang sektor ang elektrisidad sa bansa.

Sinabi ni Garin na magdudulot ng pagbaba sa singil ng kuryente ang pagsasapribado ng operasyon ng mga power plant.

Paliwanag ni Garin, sa ilalim kasi ng privatization magiging mas matatag ang suplay ng enerhiya kayat siguradong bababa ang singil sa kuryente.

Kasunod nito, pinaalalahanan ni Garin ang mga pribadong sektor na tiyakin ng pribadong kumpanya na dadaan sa tamang proseso ng aplikasyon at sa pag-apruba ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang ano mang plano para magdagdag sa singil ng kuryente.

Facebook Comments