DOE, umaasang tatalima ang power industry sa COVID-19 pandemic policies

Umaasa ang Department of Energy (DOE) na tatalima ang mga power plants, distribution utilities at iba pang industry players pagdating sa mga patakaran kanilang ipinapaptupad ngayong COVID-19 pandemic.

Nabatid na nagpatupad ng rotational brownouts sa Luzon sa harap ng pagnipis sa supply ng kuryente kasabay ng pagpapatupad ng COVID-19 vaccination efforts.

Ayon kay Energy Secretary Felix William Fuentebella, nais lamang nila sa power industry sector ng sumsunod o magkaroon ng compliance.


Pero kung hindi sila sumunod ay kailangan nilang magpataw ng disiplina dahil sa huli ay ang mga consumer ang mahihirapan.

Kailangang tiyakin ng mga distribution utilities kung kaya nilang protektahan ang mga bakuna pagdating sa refrigeration at storage.

Ang Luzon grid ay pinatatakbo ng pribadong kumpanyang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Facebook Comments