DOE, wala ng planong resbakan pa si Pacquiao

Hindi interesado ang Department of Energy (DOE) na balikan pa si Senator Manny Pacquiao kahit ang mga alegasyon niya ng korapsyon laban sa kagawaran ay lumabas na walang batayan.

Ayon kay Energy Assistant Secretary Gerardo Erguiza Jr., ipagpapasa-Diyos na lamang nila ito.

Iginiit ni Erguiza na mahalagang mailabas ang katotohanan at kung ano ang tama.


Walang balak aniya ang kagawaran na makipagsiraan sa kahit kanino.

Ang layunin ay maipakitang malinis ang kanilang ahensya mula sa anumang uri ng katiwalian.

Matatandaang iniugnay ni Pacquiao ang DOE sa isang pribadong kumpanyang Independent Electricity Market Operator of the Philippines (IEMOPI) na nakikinabang sa electric bills ng bawat consumer.

Facebook Comments