Monday, February 9, 2026

DOE, wala pang nakikitang pagbaba sa presyo ng gasolina

Wala pang nakikita ang Department of Energy (DOE) na pagbaba sa presyo ng langis.

Ayon sa DOE, sa harap ito ng wala pang linaw na pag-uusap sa pagitan ng nag-iiringan na Amerika at Iran.

Bukod dito, bumaba rin anila ang U.S. commercial crude oil inventories kaya nagkaroon ng problema sa supply.

Ipinaliwanag din ng DOE na bumaba ang produksyon ng langis sa Amerika dahil sobrang lamig ng panahon.

Nagdulot anila ito ng pagkaantala ng refinery operations sa US.

Sa kabila nito, tiniyak ng DOE na may piling gasoline stations pa rin naman ang patuloy na nagbibigay ng discount sa public utility vehicles (PUVs).

Bukod pa ito sa Loyalty discounts na pinaiiral para sa mga pribadong motorista.

Facebook Comments