
Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na wala silang inaasahang rason para tumaas muli ang presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na linggo.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau (OIMB) Atty. Rino Abad, maganda nang indikasyon ang nagpapatuloy na katahimikan sa pagitan ng Israel at Iran sa ngayon.
Giit ni Abad, ang pag-atake ng missile ay segundo o minuto lamang ngunit ang negosasyon sa pagitan ng mga bansa ay umaabot ng taon.
Kung kaya naka-depende pa rin umano ito sa trend kung magkakaroon ng adjustment o pagbabago sa presyo.
Samantala, mamaya pa umanong gabi makikita kung ano naman ang performance ng trading na siyang pagbabasehan kung may paggalaw o oil price hike sa produkto ng langis.
Matatandaang umabot sa P5 ang presyo ng ilang produktong petrolyo nito lamang nakaraang linggo.









