
“Walang hoarding”
Ito ang sinabi ng Department of Energy (DOE) kasunod ng mga gagawin pang pag-iikot at surprise inspection sa ilang gasolinahan sa Metro Manila.
Sa ekslusibong panayam ng DZXL News, sinabi ni Director Rino Abad ng DOE-Oil Industry Managament Bureau, na walang lumalapit sa kanila para ireklamo kung may nangyayaring hoarding sa mga gasolinahan.
Aniya, imposible umanong mangyari ang hoarding dito sa Metro Manila dahil na rin sa dami ng gasolinahan at suplay ng crude oil.
Kung sakali naman aniyang may maobserbahan ang ahensiya, magpapataw sila ng parusa.
Matatandaang ilang report na mula sa mga probinsya ang nagkakaroon ng problema sa “hoarding” umano ng produktong petrolyo.
Kasunod nito, siniguro naman ni DOE-OIC Sharon Garin na agad aaksyunan at iimbestigahan kung magkaroon ng ganitong kaso.









