Puspusan na ang ginagawang imbestigasyon ng Department of Finance (DOF) at Bureau of Internal Revenue (BIR)sa kung papaanong naipasok sa bansa ang mga nakaimbak na imported rice sa anim mula sa labing isang warehouse na una nang ni-raid at pinodlock ng mga awtoridad.
Matatandaan na noong ika- 3 ng Oktubre nang magsagawa ng raid ang DOF, BIR at BOC sa 11 warehouse sa Guiguinto, Bulacan makaraang mapagalaman na hindi nagbabayad ng tamang buwis ang mga kumpaniyang mayari nito.
Ayon kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino, tinatayang nasa 250,000na kilo ng imported rice mula sa Vietnam at Myanmar ang nakita sa anim na warehouse na ito, ngunit bigong makapagpakita ng import document ang mga ito.
Nagpa-patuloy aniya ang ginagawa nilang imbestigasyon lalo at bigong maipaliwanag ng mga ito kung saan nanggaling, paano naipasok sa bansa at kung magkano ang binayaran nilang taripa.
Kailangan aniyang matukoy kung sa papaanong paraan naipasok sa bansa ang mga imported products na ito upang maipatigil ang anumang iligal na mekanismo na nasa likod nito.