Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Finance (DOF) at Department of Health (DOH) sa Kongreso na ipasa na agad ang mga panukalang batas para sa dagdag-buwis sa sigarilyo at alak.
Dito inaasahang kukunin ang pondo para sa Universal Health Care Law.
Sa taya ng DOF, nasa 258 billion pesos ang kailangan para sa pagpapatupad nito kung saan nasa 195 billion pesos ay manggagaling sa national budget.
Pero kulang pa ng 63 billion pesos para maipatupad ng buo ang batas.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez – higit na lalaki pa ang kakulangan sa pondo sa mga susunod na taon.
Suportado ni Dominguez ang panukala ni Senator Manny Pacquiao na itaas sa 60 pesos ang kada pakete ng sigarilyo mula sa dating 35 pesos, habang gawing 40 pesos ang buwis sa kada litro ng beer o fermented liquor mula sa kasalukuyang ₱25.42.
Makakatulong din ang dagdag buwis sa sin products para mapababa ang bilang ng mga naninigarilyo at umiinom ng alak pati na ang mga natatamaan ng tobacco and alcohol related diseases.