DOF, binigyang diin na walang dapat ikatakot ang publiko sa utang pamahalaan sa China

Inihayag ng Department of Finance na walang dapat ikabahala ang publiko sa loan agreement ng Pilipinas at China sa Chico River Irrigation project.

Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Finance Assistant Secretary Tony Lambino na ang mga sinasabing kontrobersiyal na bahagi ng loan agreements ay standard provisions sa iba pang loan agreements ng Pilipinas sa iba pang bansa bukod sa China.

Sinabi din ni Lambino na napakaliit ng posibilidad na likas na yaman ng Reed bank ang ipambayad ng Pilipinas sa utang nito sa China dahil otomatikong kasama sa General Appropriations Act ang pondo para sa pambayad ng utang ng Pamahalaan.


Bukod pa dito ay sinabi ni Lambino na kung legalidad ang paguusapan ay malabong matalo ang Pilipinas dahil sa mga nakasaad sa kasunduan at kahit batas ng china ang ginamit para sa loan agreement ay kailangan paring dumaan sa korte ng Pilipinas para ito ay maipatupad.

Binigyang diin din ni Lambino na responsible ang Pamahalaan ng Pilipinas sa pagbabayad ng utang panloob man ito o panlabas.

Facebook Comments