DOF: Epekto ng mga pandaigdigang hamon, nalampasan ng Pilipinas dahil sa proactive measures ng pamahalaan

Ibinahagi ng Department of Finance (DOF) sa APEC Finance Minister’s Meeting ang mga hakbang ng pamahalaan laban epekto ng mga pandaigdigang hamon.

Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, dahil sa proactive measures na ginawa ng gobyerno ay nalagpasan ng Pilipinas ang mga kinakaharap na global challenges katulad ng Russia-Ukraine conflict.

Nagdulot aniya ito ng disruption sa supply chains kaya nagkaroon ng supply shortage sa bansa na nagpataas ng inflation.


Pero dahil sa proactive steps na inilatag ng Inter-Agency Committee on Inflation and Market Outlook (IAC-IMO) kaya epektibong naibsan ang pagsirit ng inflation sa bansa.

Ang IAC-IMO ay ang binuong advisory body para sa Economic Development Group ang siyang gumabay sa gobyerno upang masangga ang food at non-food inflation

Tinitiyak din ng komite ang energy security habang binabalanse ang interes ng producers, consumers at ekonomiya.

Dagdag pa ni Diokno, bilang Chief ng economic team ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., tinitiyak niyang isinasagawa ang mga fiscal discipline sa pagkamit ng kauna-unahang medium-term fiscal framework.

Facebook Comments