DOF, handang sumunod sa Supreme Court sakaling magdesisyon ito na ibalik ang pondo ng PhilHealth mula sa National Treasury

Handang tumalima ang Department of Finance (DOF) sakaling ipag-utos ng Korte Suprema na ibalik ang reserve funds ng PhilHealth na inilipat sa national treasury.

Ayon kay Finance Sec. Ralph Recto, bagama’t may mga nakalatag nang mga alokasyon para sa programa ang nasabing sobrang pondo ng PhilHealth, kailangan pa rin sumunod sa desisyon ng Korte Suprema ang pamahalaan.

Aniya, makatutulong sana ang sobrang pondo ng PhilHealth para mapababa ang utang ng bansa sa ilalim ng Bayanihan 3.


Giit ni Recto, sa ilalim ng Bayanihan 3 ay magagamit ang lahat ng hindi nagalaw, sobra at nananatiling pondo para mapaunlad ang ekonomiya, mapataas ang kita at mabawasan ang kahirapan sa bansa.

Ang pahayag ni Recto ay kasunod ng isinagawang pagpapatuloy ng Korte Suprema ng Oral Arguments hinggil sa kontrobersyal na paglipat ng P89.9 billion na sobrang pondo ng PhilHealth.

Matatandaan na nauna nang nailipat sa national treasury ang ₱20 billion na sobrang pondo noong May 10, 2024 na sinundan ng paglilipat ng P10 billion noong Aug. 21 ng kaparehong taon.

Facebook Comments