DOF, hindi pabor sa panukalang patawan ng buwis ang mga salty product

Hindi pabor ang Department of Finance (DOF) na patawan ng buwis ang mga pagkaing may mataas na lebel ng asin.

Ayon kay Finance Undersecretary Karl Chua – mayroong isinasagawang pag-aaral hinggil dito subalit hindi nakatuon sa tax imposition.

Para naman kay Finance Assistant Secretary Antonio Lambino – mayroong Technical Working Group na binubuo ng finance, trade and industry, at health departments na nagsasagawa ng pananaliksik kung paano mababawasan ang pagkonsumo ng pagkain na may mababa o walang nutritional value.


Layunin ng pag-aaral na isulong ang pagkakaroon ng healthy eating habits at ma-improve ang health status ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga ipinapanukala ay ang paglalagay ng labels sa pagkain upang makapili ang mga tao kung ano ang kakainin nila.

Gayumpaman, paglilinaw ng DOF na walang formal proposal sa pagpapataw ng buwis sa salty foods.

Facebook Comments