DOF, ibinabala sa papasok na Marcos administration ang posibleng pagkawala ng bilyon-bilyong pisong kita ng pamahalaan kapag sinuspinde ang exise tax sa langis

Nagbabala ang Department of Finance (DOF) sa papasok na administrasyong Marcos kapag itinuloy ang panawagang pagsuspinde sa excise tax sa mga produktong petrolyo.

Ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez, ang pagsuspinde sa excise tax sa langis ay hindi solusyon para maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Ani Dominguez, kapag sinuspinde ang excise tax, mawawalan ang gobyero ng kita na nagkakahalaga ng P105.9 billion o 0.5% ng gross domestic product ngayong taon na maaaring magresulta sa mas mataas na deficit at utang ng gobyerno.


Aniya, ang pagsuspinde sa excise tax sa langis ay pakikinabangan lamang ng mga mayayaman at hindi ng mga mahihirap na Pilipino.

Isang paraan ani Dominguez para matugunan ang epekto ng serye ng taas-presyo ng langis ay magbigay ng agaran at targeted support sa vulnerable sectors tulad nang pamamahagi ng fuel subsidy at iba pang ayuda sa pinakalubos na apektado.

Facebook Comments