
Pinabulaanan ng Department of Finance (DOF) na mayroong loan ang Pilipinas sa South Korea na aabot sa halos P29 billion para sa development assistance.
Ito ay kasunod ng naging pahayag ni South Korean President Lee Jae-myung na hininto na ang pagpapatupad ng 700-billion-won o katumbas ng halos P28.8 bilyong infrastructure loan sa bansa.
Sinabi ni Lee na nababahala siya sa posibilidad na malagay ito sa maling pamamahala at mapunta lamang sa korapsyon.
Mahalaga rin umano na mapigilan ang pag-aaksaya ng buwis ng kanilang mamamayan.
Pero sabi ng DOF, walang kasunduan o ganitong loan ang Pilipinas sa South Korea.
Gayunpaman, tiniyak ng kagawaran sa lahat ng bilateral partners na susuklian ng gobyerno ang kanilang tiwala at kumpiyansa sa pamamagitan ng transparency at accountability.









