DOF, nagbabala sa publiko kaugnay sa kumakalat na investment scheme

Binalaan ng Department of Finance (DOF) ang publiko kaugnay sa kumakalat transaksyon kung saan ginagamit ang pangalan ni Finance Sec. Carlos Dominguez para makapag-promote ng pekeng investment.

Sa inilabas na pahayag ng DOF, nakasaad na talamak ang ganitong gawain kung saan gumagamit ang mga scammers ng pekeng cryptocurrency auto-trading platform na bitcoin revolution.

Nagpaalala naman ang DOF sa publiko na laging i-check kung lehitimo ang kanilang transaksyon at ipaalam kaagad sa mga otoridad kung mabibiktima ng ganitong scheme.


Facebook Comments