DOF nanawagan sa mga Senador na madaliin ang pagpapasa ng bagong Sin Tax Reform Law

Umapila sa mga Senador ang Department of Finance na mabilisin ang magpasa sa bagong Tax Reform Law para lalaki ang kita ng gobyerno na magagamit sa Universal Health Care program para matiyak ang pagbibigay na kalidad na serbisyo sa kalusagan ng bawat Pilipino.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay sinabi ni DFA Under Secretary Karl Kendrik Chua na hinikayat nila ang mga Senador sa pagpasok ng 18th Congress na mabigyan ng magandang pagkakataon na makuha ang single A grade para sa bansa.

Paliwanag ni Chua ang single A investment grade credit rating hindi lamang mabenipisyuhan ang gobyerno at pribadong sector investors sa pamamagitan ng mababa ang interes rates kayat inaasahan na aniya ay maraming mamumuhunan sa Pilipinas.


Dagdag pa ni Chua magkakaroon din ng ms  malaking investment at maraming trabaho ang maibibigay sa mga Pilipino.

Facebook Comments