DOF, naniniwalang maganda ang ipapamanang legasiya ng Duterte administration

Naniniwala ang Department of Finance (DOF) na maganda ang mamanahing repormang pang ekonomiya ng susunod na administrasyon.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, kabilang sa mga repormang ito na inaasahang magpapabalik sigla sa ekonomiya ay ang Comprehensive Tax Reform Program, Build Build Build Infrastructure Modernization, Sin Tax Reform, Rice Tarrification Law, National ID System at Ease of Doing Business Law.

Kabilang din ang tatlong economic liberalization bills na inaprubahan ng Kongreso na naglalayong pasiglahin ang competitiveness ng mga industriya, makalikha ng mas maraming trabaho, itaguyod ang pagiging mura at de kalidad na mga bilihin at pabilisin ang pag-unlad.


Aniya, ang ilang batas tulad ng Retail Trade Liberalization Act, pag-amyenda sa Foreign Investments Act at Public Service Act ay hinihintay na lamang malagdaan ng Punong Ehekutibo.

Sa pamamagitan aniya ng mga batas at repormang ito ay titibay ang pondasyon para ipagpatuloy at pabilisin ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa mga susunod na panahon.

Facebook Comments