DOF, nilinaw na walang budget para sa cash aid sa biglaang pagbabalik sa MECQ ng Metro Manila at karatig lalawigan

Aminado ang Department of Finance (DOF) na walang nailaang pondo ang pamahalaan para sa cash assistance para sa mga apektado ng dalawang linggong Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, hindi inaasahan ang pagbabalik sa mahigpit na quarantine ang Metro Manila at iba pang lugar.

Bagamat hindi kasama ang budget ng third round ng cash aid, sinabi ni Dominguez na sisilipin ng economic team kung maaari itong ipasok sa Bayanihan to Recover as One bill (Bayanihan 2).


Iginiit naman ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado, na may sapat na pondo ang pamahalaan para suportahan ang pangangailangan ng vulnerable sector.

Nabatid na aprubado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Bayanihan 2 kung saan nasa P162 bilyon ang inilaang pondo para sa response interventions para maibangon ang ekonomiya ng bansa mula sa pandemya.

Facebook Comments