
Suportado ni Departent of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang paglimita at pagpapababa sa unprogrammed funds.
Mismong si Recto ang naghayag na mula noong senador pa siya ay tutol siya sa malaking unprogrammed appropriations sa panukalang pambansang budget.
Para kay Recto, dapat na mapababa ito at malimitahan lamang sa calamity funds at foreign assisted projects.
Hangga’t maaari aniya ay dapat nasa programmed appropriations o naka-line item ang lahat ng paggastos ng gobyerno kung saan nakadetalye ang mga proyekto at ilalaang pondo.
Masyado namang nalalakihan si Recto sa 5% na unprogrammed appropriations at mas mainam kung nasa 2% lamang ito.
Matatandaang natuklasan sa mga pagdinig ng Senado na sa unprogrammed funds ang pinagmumulan ng mga ipinopopondo para sa mga ghost at substandard flood control projects.









