Umaasa ang Department of Finance (DOF) na mapapasama ang Pilipinas sa best performing economies sa Asya ngayong taon.
Ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno, on-track ang bansa sa Medium-Term Fiscal Framework para maabot ang ganitong pagkilala.
Ito ay dahil aniya sa mataas na revenue collection ng taon, ipinatutupad na catch up plan ng government agencies, at pinaghusay na government spending ngayong fourth quarter.
Dagdag ni Diokno, inaasahan ng economic managers ang mabilis na pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng gobyerno sa imprastruktura, transport, labor and employment, social protection at education.
Maliban dito, positibo rin ang ahensya na makakamit ang growth targets na itinakda sa medium-term fiscal framework partikular ang debt-to-GDP, at deficit-to-GDP ratio.