DOF, pinaglalatag ng kongkretong plano sa mga tobacco farmers na maaapektuhan ng panukalang tax hike sa sigarilyo

Kapwa suportado nina Senators Franklin Drilon At Richard Gordon ang panukala na itaas ang buwis na ipinapataw sa sigarilyo.

 

Pero giit nina Drilon at Gordon, dapat maglatag ang Department of Finance o DOF ng kongkretong plano para sa tobacco farmers na maaapektuhan kapag naisapabatas ang panukala.

 

Nakapaloob sa sin tax reform law, na 85 percent ng buwis sa sigarilyo ay para sa health insurance program ng gobyerno habang ang 15 percent nito ay para sa mga magsasaka.


 

Pero tanong ni Drilon, sigurado ba na nagagamit ng tama ang 15 percent gayung nananatiling pinakamahihirap sa bansa ang mga magsasaka sa rehiyon na may pataniman ng tabako.

 

Katwiran naman ni Gordon, asahan na ang paghina ng kita ng tobacco farmers dahil kapag tumaas ang buwis sa sigarilyo ay tiyak na mababawasan ang bibili nito at posible din na tumindi ang smuggling ng murang sigarilyo.

Facebook Comments