DOF, thumbs up sa pagpapataw ng 5% franchise tax sa POGO

Suportado ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang isinusulong ni Albay Rep. Joey Salceda na pagpapataw ng 5% franchise tax sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at sa service providers ng mga ito.

Ayon kay Secretary Dominguez, bagamat hindi pa niya nakikita ang nilalaman ng ihahaing panukala ni Salceda, sa kabuuan ay sangayon siya dito. Layon rin kasi aniya nito na irehistro ang mga POGOs bilang resident corporations na magiging basehan sa pagbubuwis sa mga ito.

Nilinaw rin ni Dominguez na sa kasalukuyan, subject naman na sa 5% franchise tax ang mga POGO.


Bukod sa 5% franchise tax na isinusulong ni Salceda, plano rin nitong magpataw ng $10,000 gaming tax per table kada buwan para sa live set-up casino, $5,000 gaming tax par sa mga random number generator (RNG)-based games, at $1,000 para sa corporate income tax per seat sa mga POGO.

Facebook Comments