“Walang maibebentang isla ng Pilipinas sa China”.
Ito ang pagtitiyak ng Department of Finance (DOF) sa pangamba ng ilan na malulubog ang bansa sa utang nito sa Beijing.
Sa interview ng RMN Manila kay Finance Assistant Secretary Tony Lambino – maingat ang gobyerno sa pinapasukan nilang kontrata.
Dahil ang utang sa China ay nasa isang porsiyento lang ng kabuuang utang ng Pilipinas sa iba’t-ibang bansa.
Tiniyak ng finance department sa publiko na pareho lamang ang standards na pinaiiral nila sa China katulad ng iba pang loans ng Pilipinas.
Sa ngayon ay nasa 7.293 trillion pesos na ang kabuuang utang ng bansa nitong 2018.
Facebook Comments